Anong kalsing higante ang nasa Genesis 6:1–4?

 

Ano ang sinasabi ng Genesis 6:1–4?
Nang dumami ang tao sa lupa at nagkaanak ng mga babae, nakita ng mga “anak ng Diyos” na magaganda ang mga babae at pinili nilang mapangasawa ang sinumang gusto nila. Noon ay may mga “higante” sa lupa, at ang mga anak nila ay naging makapangyarihan at tanyag.
A.) Expository
May tatlong pangunahing interpretasyon:
1. Anghelic View– Ang “mga anak ng Diyos” ay mga "Anghel na bumaba sa lupa at nag-asawa ng mga babae. Ang kanilang anak ay tinawag na "Nephilim" o mga “higante” (Genesis 6:4). Ito ang paniniwala ng ilang sinaunang Hudyo at ilang Kristiyanong grupo.
2. Sethite View (SDA Position) – Ang “mga anak ng Diyos” ay mga inapo ni Seth (matuwid), at ang “mga anak ng tao” ay mga inapo ni Cain (masama). Ang kasalanan ay ang pag-aasawa ng matuwid at masama, na nagresulta sa moral na pagbagsak ng sangkatauhan.
3. Royalty View– Ang mga “anak ng Diyos” ay mga makapangyarihang hari na inangkin ang mga babae para sa kanilang sarili.
B.) masusing pag-aaral.
Sino ang “anak ng Diyos”?
Ang "mga anak ng Diyos" ay hindi literal na mga anghel. Sa Hebrew, ito ay “benei haElohim”, na ginagamit din para sa mga taong matuwid (hal. anak ni Seth).
Sa kontra, ang "anak ng tao" ay tumutukoy sa lahi ni Cain na masasama.
Sino ang Nephilim?
Sa Hebrew, Nephilim = “mga bumagsak” o “mga mapang-api”.
Hindi sila anak ng anghel at tao. Sila ay mga malalakas, kilalang tao, hindi sobrang taas lang ng katawan kundi matitindi sa kasamaan.
C.) Paano ito dapat unawain?
Gamitin natin ang prinsipyo na ang Biblia ang nagpapaliwanag sa sarili nito. Kaya, ang “anak ng Diyos” ay hindi literal na anghel kundi mga taong matuwid (Lucas 3:38; Mateo 5:9).
- Ang “Nephilim” ay maaaring hindi literal na higante kundi mga taong kilala sa lakas at kasamaan.
Hindi ito dapat ituring na anghel ay nakipag-asawa, dahil ang mga anghel ay espiritu (Heb. 1:14), walang laman at hindi nakikipagtalik.
D.) World References
-Nephilim": Sa Britannica, ito ay mga nilalang na may misteryosong pinagmulan, minsang tinuturing na mga higante.
- Merriam-Webster: Nephilim – “a race of giants said to be the offspring of the sons of God and daughters of men.
E.) Eschatology Reference (Lugar noon at Ngayon, Taon)
- Ang Genesis 6 ay naganap sa antediluvian period(bago ang baha), mga 1,500 taon matapos si Adan.
- Ang lugar ay sa "Mesopotamia, kung saan nagsimula ang sibilisasyon.
- Sa eschatology, ito ay "paunang babala" ng Diyos sa darating na paghuhukom (ang Baha).
F.) Patriarchs and Prophets, p. 90–91:
“Maraming mga higante sa lupa, mga taong kilala sa talino at lakas, ngunit ginamit nila ito sa kasamaan.”
- Hindi niya sinabing literal na anghel ang nag-asawa, kundi ang mga taong matuwid ay nakipaghalo sa masasama.
G.) SDA Bible Commentary (Vol. 1, p. 252–254)
- Ang “sons of God” ay mga inapo ni Seth.
- Ang “daughters of men” ay mga inapo ni Cain.
- Ang “Nephilim” ay mga taong kilala sa kasamaan at karahasan, hindi literal na anak ng anghel.
H.) SDA Systematic Theology Volume 1, p. 380-381
- ang Genesis 6 ay hindi sinusuportahan ang ideya ng anghel na nag-asawa.
- Ang kasalanan ay ang paghalo ng matuwid at masama, na nagdala ng moral na pagbagsak.
“Ang mga anghel ay hindi nilikha upang makipagtalik o magpakasal. Ang terminong ‘sons of God’ sa Genesis ay dapat unawain bilang simboliko ng mga anak ng Diyos, hindi mga espiritwal na nilalang.”
I.) SDA Interpreting the Scripture page 140
- Sa prinsipyo ng SDA hermeneutics, hindi literal ang interpretasyon ng “anak ng Diyos” bilang anghel.
- Ginagamit ang kasaysayan, konteksto, at kabuuan ng Biblia sa pag-unawa.
J.) 28 Fundamental Beliefs ng Seventh-day Adventist.
- Belief #1: Ang Biblia lamang ang batayan ng katotohanan.
- Belief #8: Ang sangkatauhan ay nilikha sa wangis ng Diyos, ngunit bumagsak sa kasalanan.
- Walang doktrina na nagsasabing anghel ay nag-asawa ng tao.
K.) Church Manual (2022 Edition) page 144
- Walang direktang turo tungkol sa Genesis 6:1–4, ngunit binibigyang-diin ang pag-iwas sa maling unawa at pagsunod sa Biblia bilang tanging gabay.
L.) Summary
Hindi literal na anghel ang nag-asawa ng tao. Ang ibig sabihin ng “anak ng Diyos” ay mga taong matuwid (inapo ni Seth), at ang “anak ng tao” ay mga taong masama (inapo ni Cain). Ang kanilang pagsasama ay nagdala ng kasamaan sa mundo. Ang “higante” ay maaaring mga taong kilala sa lakas at kasamaan, hindi anak ng anghel.
References: 100% Accurate
Biblical Research Institute,
📖 SDA Bible Commentary (hard copy or digital)
📕 SDA Church Manual 2022 (PDF or printed)
📖28 fundamental beliefs (hard copy or digital).


Comments

Popular posts from this blog

San Jose "BABOY" Adventism

Sitio Aya Adventism History

May pakpak ba ang mga anghel ng Diyos?